5 Paraan para mapanatili maging malusog ang iyong puso

Habang tumatagal, mas nabibigyan na natin ng importansya ang madaling gawin kaysa sa kalidad. Ito ay mapapasin sa mga pinipili nating pagkain, tulad ng processed foods at mabilis o fast ‘1 minute’ meals na nagiging parte ng buhay natin araw-araw. Sa gayon, hindi na nakakagulat na ang mga pagkain ay nakakaapekto sa ating kalusugan dahil sa dami ng bilang ng cardiovascular disease nangyayari sa buong mundo. Gayunpaman, ang mga tao ay nagiging mas maalam sa kanilang kalusugan. Sa gayon, hindi din nakakagulat na ang mga tao ay mas pinipili maging mas malusog sa pamamagitn ng tamang pagkain at ehersisyo at anong mas magandang paraan pa ba para magsimula kundi panatilihin maging malusog ang puso dahil ito ang pinaka importanteng parte ng katawan. Ito ang limang paraan para mapanatili maging malusog at masaya ang iyong puso.

1. Fats

Lahat tayo ay lumaki na may paniniwalang ang fats ay delikado sa ating kalusugan. Gayunpaman, ang totoo ay hindi lahat ng fats ay masama sa ating kalusugan. Alam niyo ba na may mga fats na kapag kinain ay nakakatulong sa katawan? Halimbawa ang fats sa olive oil, avocado at omega 3 fats ay mayroong benepisyo sa ating kalusugan. Nagbibigay sila ng enerhiya, tumutulong sa cell growth at pinoprotektahan ang ating katawan. Dahil diyan, ano ang klase ng fat ang kailangan mong iwasan?

Isang halimbawa ng fat na kailangan iwasan ay ang trans fats. Ang trans fats ay isang synthetic na klase ng fat na ginagamit para makadagdag ng lasa. Natatagpuan sila sa mga packaged baked goods, snacks, margarine at fast foods. Ang trans fats ay nakakadagdag ng tyansa magkaroon ng komplikasyon na may kinalaman sa puso o pagkakaroon ng stroke. Ang trans fats ay nakakabara din ng arteries dahil nakakadagdag sila ng level ng LDL habang pinapababa ang level ng HDL.

Kumain ng masustansyang pagkain, sapat na prutas, gulay at natural na protein sa iyong diet. Ang paggawa nito ay makakababa ng iyong tyansa magkaroon ng mga sakit tulad ng heart disease at stroke.

Tip: Kapag bumibili ng snacks o kahit anong processed snacks, kailangan mo basahin ang mga nakasulat. Madaming gumagawa ng produkto at nilalagay ang trans fats bilang hydrogenated oils. Subaybayan ang trans fat levels sa mga nakasulat sa produkto at kahit sila ay nakalagay na 0%, tingnan ang ingredients na ‘trans fats’ o ‘hydrogenated oils’.

2. Avoid Smoking

Isang paraan para matiyak na ang iyong puso ay malusog ay iwasan ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakakaapekto sa ating blood vessels. Ang paninigarilyo ay nakakabawas din ng level ng oxygen na dumadaloy sa ating blood vessel.

Tip: Iwasan ang paninigarilyo pati ang pagpunta sa mga mauusok na lugar kung saan madami nagsisigarilyo dahil delikado din ito tulad ng paninigarilyo mismo.

3. Dental Hygiene

Ito ay puwedeng nakakagulat sa iyo pero alam mo ba na ang dental hygiene at ang iyong puso ay may kaugnayan? Kapag wala kang magandang dental hygiene, ang mga bacteria ay puwedeng magdulot ng gum disease at ito ay puwede mapunta sa iyong bloodstream at puwedeng itaas ang C-reactive protein. Ang mataas na level ng C-reactive protein ay nagdudulot ng pamamaga ng iyong blood vessels. Ang pamamaga ng iyong blood vessels ay nakakataas ng iyong tyansa magkaroon ng komplikasyon sa puso at stroke.

Tip: Magsipilyo at mag-floss araw-araw para sa magandang kalusugan ng ngipin at puso.

4. Amount of sleep

Para sa kahit sinong tao, ang pagtulog ay importante para mapanatili na malusog ang iyong katawan. Bukod pa rito, ang kakulangan sa pagtulog ay nakakadagdag ng tyansa magkaroon ng cardiovascular disease. Ang mga tao na natutulog ng mas mababa sa anim na oras ay may mas mataas na tyansa magkaroon ng komplikasyon sa puso dahil nakakaapekto ang kulang na pagtulog sa normal na biological process, na nakakadagdag ng tyansa magkaroon ng high blood pressure at pamamaga o inflammation.

Tip: Kung gusto mo mapanatili maging malusog ang iyong puso, matulog ng 7 hanggang 8 na oras araw-araw.

5. Be more active

May mga pag-aaral kamakailan na pinapakita na ang mga taong umuupo ng matagal ay may mataas na tyansa magkaroon ng cardiovascular na komplikasyon. Ang pag-aaral ay ginawa sa halos 800,000 na tao at pinapakita na ang mga taong umuupo ng matagal ay may 147% na dagdag sa tyansa magkaroon ng cardiovascular na komplikasyon katulad ng deep vein thrombosis (blood clot).

Tip: Importante na matiyak na ikaw ay kumikilos buong araw. Sa mga tao na may white collar jobs, puwede kang pumarada malayo sa iyong opisina para magkaroon ka ng ilang minuto para maglakad. Puwede ka din gumwa ng standing workstation para ikaw ay gumalaw ng gumalaw.

Ang ating puso ay hindi maikakaila na pinagmulan ng ating buhay at isa sa pinakamalakas natin na muscle. Ito ay nag-pupump sa humigit-kumulang 6,000 hanggang 7,500 na litro ng dugo bawat araw at kapag wala ito, hindi tayo mabubuhay. Sa gayon, walang duda na ang puso ay ang pinaka importanteng parte ng ating katawan at kailangan natin matiyak na ito ay mapanatiling malusog at nakakatrabaho ng maayos. Kaya kumain ng gulay, huwag manigarilyo at magkaroon ng sapat na tulog ngayong gabi! Ang iyong puso at katawan ay papasalamatan ka.


Kung ikaw ay interesado pa malaman ang ibang impormasyon sa kung ano pa ang nakakaapekto sa iyong puso at paano ito alagaan, basahin ang biomarker post namin dito!

5 Paraan para mapanatili maging malusog ang iyong puso ay unang lumabas dito sa BioMark.