Asukal: Paano ito nagiging masama para sa iyo?

Ang henerasyon natin ngayon ay madalas nagbibilang ng mga calories at laging sumusunod sa mga uso na diet. Likas na sa atin na maghanap ng matamis paminsan minsan. Kung magiging tapat tayo, pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw, mahirap umiwas hindi kumain ng matamis. Kung ikaw ay nasabihan na magbawas ng asukal dahil masama ito sayo, hindi ka nag-iisa. Puwede ka naman kumain ng matamis basta mayroon ka na pag-unawa kung paano mapanatili sa normal range ang iyong sugar intake.

Ano ang blood glucose?

Ang blood glucose, o blood sugar, ay ang pangunahing asukal sa bloodstream. Ang katawan natin ay gumagawa ng glucose sa kinakain natin at dinadala ito sa bloodstream. Ang pangunahing ginagawa ng glucose ay binibigyan niya ang cells ng energy para magawa nila ang dapat nila gawin ng maayos. Ang glucose ay ang pangunahing source ng energy kaso hindi makukuha ng cells ang glucose kung walang insulin.

Paano pumapaso ang insulin?

Ang insulin ay isang hormone na ginagawa ng pancreas para magamit ng maayos ang glucose bilang source ng energy. Kapag ikaw ay kumain, ang blood sugar mo ay tumataas at ang pancreas ay naglalabas ng insulin para makapasok ang glucose sa mga cells. Ang insulin ay mahalaga para sa pagpapanatili ng blood sugar level sa normal para hindi ito tumaas o bumaba.

Kahit na ang pancreas ay laging naglalabas ng mababang level ng insulin, ang konsentrasyon ay tumataas habang kumakain tayo at ganun din sa mga may mataas na blood glucose level. Kapag ang cells ay hindi sumusunod sa insulin ng maayos, ang level ng blood glucose ay mas lalong tumataas. Ang tawag dito ay insulin resistance at nangyayari ito sa maraming dahilan katulad ng pagiging overweight o obese, chronic stress, sedentary lifestyle, diets high in sugar and calories, health conditions katulad ng polycystic ovary disease at cushing’s disease.

Ano mangyayari kapag nagkaroon ng sobrang asukal ang katawan?

Pagkatapos makuha ang carbohydratess mula sa pagkain, mapupunta ito sa atay. Sa atay, ang ibang asukal ay nagiging glucose. Ang ibang parte ng glucose ay napupunta sa bloodstream habang ang iba ay tinatabi sa atay bilang energy reserve. Ang atay ay nakakapagtabi lamang ng kaunting glucose kaya ang mga muscle ay nagtatabi din ng glucose.

Ang sobrang blood glucose ay nagdudulot ng madaming problema sa ating katawan at kapag ang glucose ay dumami, ang insulin ay hindi nakakapagtrabaho ng maayos. Ang mga puwede mangyari kapag may blood glucose accumulation ay madami katulad ng pagiging overweight o obese, pagkakaroon ng blood pressure at pagtaas ng tyansa magkaroon ng heart disease at cardiovascular condition katulad ng heart attack.

Diabetes: ang lumalaganap na issue

Ang mataas na level ng blood sugar ay puwedeng maging pre-diabetes at diabetes. Ang pre-diabetes ay nangyayari kapag ang blood glucose ay mataas pero hindi kasing taas para masabi na mayroon ka na type 2 diabetes. Ito ay isang pre-diagnosis at isang warning sign na nagsasabi na puwede pa mapababa ang iyong blood sugar at maiwasan ang diabetes.

Ang diabetes ay isang kondisyon na kung saan mayroon ka na sobrang taas na level ng blood glucose at nangyayari ito dahil sa insulin resistance. Mahigit 20% ng adult population sa Malaysia ay mayroong pre-diabetes pero ang may mga diabetes mismo ay mas nakaka-alarma. Ang chairman ng National Diabetes Institute (NADI) ay nag-ulat na ang Malaysia ay ang may pinakamataas na diabetes rate sa kahit saang bansa sa Asya na mayroong 2.5 milyong tao na may edad 18 at pataas mayroong diabetes. Ang International Diabetes Foundation (IDF) ay nag-ulat na mayroong 3.4 milyon na kaso ng diabetes sa Malaysia noong 2017 pa lamang.

Paano ang epekto ng mataas na blood sugar sa iyong katawan?

Ang mga may diabetes ay mataas ang tyansa magkaroon ng mataas na level ng blood sugar, o tinatawag na hyperglycaemia. Ang diabetes ay nakaka-apekto ng pancreas at puwede hindi ito maglabas ng tamang insulin, o bawasan ang epketo ng hormone na ito. Ang mga sintomas na kadalasan kasama sa hyperglycaemia ay ang madalas na pag-ihi, malabong paningin, pagka-uhaw, pagod at sakit sa ulo.

Ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay puwedeng may idulot na hindi maganda sa iyong katawan katulad ng:

  • Nerve damage – mataas na blood glucose level ay nakakasira ng ugat
  • Kidney damage – resulta ng pagkasira ng blood vessel sa loob ng kidenys
  • Retinal damage – tumataas ang blood pressure dahil sa hyperglycaemia, at dahil dito, lumiliit ang blood vessels sa retina
  • Atherosclerosis – ang arteries ay lumiliit at tumitigas dahil sa namamaga na mga blood vessels at nagpapabagal ng blood flow
  • Slow wound healing – ang blood flow ay mahalaga sa paggaling ng mga sugat pero kung ikaw ay may mataas na blood sugar, bumabagal ito. Ang dugo ay hindi dumadaloy sa mga may sugat kaya mas mabagal ito gumaling
  • High blood pressure – tumitigil ang blood flow at lumiliit ang blood vessesls sa mataas na blood sugar level. Dahil hindi dumadaloy ng maayos ang dugo, tumtaas ang blood pressure

Konklusyon

Mataas ang tyansa mo magkaroon ng pre-diabetes at diabetes kapag mayroon ka na mataas na blood sugar. Sa artikulong ito, nagkaroon ka ng kaalaman sa masamang epekto ng mataas na blood sugar sa iyong kalusugan. Importante na gumawa ng paraan para mapanatili ang blood glucose level sa normal. Madami ikaw magagawa para mapanatili ito sa normal. Alamin ito dito. Kapag ikaw ay nakakaranas ng isa o mahigit pa sa mga sintomas, bumisita sa iyong doktor. Ikaw ang responsable sa iyong kalusugan!


Asukal: Paano ito nagiging masama para sa iyo? ay unang lumabas ditto sa BioMark.