Ang mga Komplikasyon ng Diabetes at Paano ito maiwasan

Ang diabetes ay isang metabolic disorder na naglalarawan ng mataas na blood sugar (hyperglycemia) na mula sa mga defects sa insuln production, insulin action, o parehas. Ang insulin ay isang hormone na nanggagaling sa pancreas at ito ay importante sa pag control ng blood glucose levels at pag gamit ng cells sa glucose ng normal.

Ang paglaganap ng Diabetes

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang bilang ng taong may diabetes ay 422 milyon noong 2014 habang 108 milyon lang noong 1980. Ang paglaganap ng diabetes ay tumataas sa low and middle-income na mga bansa kaysa sa mga high-income na bansa.

Ang diabetes ay responsible sa 1.6 milyon na pagkamatay taon taon. Mahigit 60% ng may diabetes ay nakatira sa Asya, at halos kalahati ditto ay nakatira sa China at India.

Ang report sa paglaganap ng diabetes sa Malaysia ay 11.6% noong 2006, 15.2% noong 2011, at 22.9% noong 2013.

Ayon sa 2010 Singapore National Health Survey, ang paglaganap ng diabetes ay tumaas mula 8.6% noong 1992 na naging 11.3% noong 2010. Sinasabi na ang Singapore ay magkakaroon ng kalahating milyong tao na may diabetes sa 2020 at tataas uli ng isang milyon sa 2050.

Pagkakaroon ng Diabetes at mga Klase nito

Mayroong tatlong klase ng diabetes: type 1 diabetes (kulang na insulin production), type 2 diabetes (insulin resistance), at gestational diabetes (tuwing pagbubuntis)

Ang karaniwang sintomas ng diabetes ay frequent urination, hunger and fatigue, dry mouth, itchy skin, blurred vision, feeling very thirsty, weight loss, numbness in the hands or feet, and slow healing bruises. Ang ibang type 2 diabetic ay hindi halata ang sintomas. Kung ikaw ay mayroon na isa sa mga sintomas, bumisita sa inyong doktor agad para malaman ang inyong glucose level sa pamamagitan ng fasting blood sugar test, two-hour postprandial blood sugar test, at glycated hemoglobin test.

Ang type 1 diabetes ay nangyayari kapag ang inyong immunity ay sinisira ang specific insulin-producing cells sa inyong pancreas. Tinatawag din itong juvenile diabetes dahil karaniwang nakikita ito sa mga bata. Ayon sa ADA, halos 5% ng mga taong may diabetes ay mayroong type 1 diabetes. Ang lifestyle factor ay walang kinalaman sa pagkakaroon ng ganitong diabetes kundi genetic at environmental components.

Ang type 2 diabetes ay ang pinaka karaniwang type ng diabetes. Kapag mayroon ka na type 2 diabetes, ibig sabihin nito ay ang katawan mo ay hindi magamit ang insulin ng tama. Ang kondisyon na ito ay tinatawag din na insulin resistance. Sa simula, ang inyong pancreas ay gagawa ng madaming insulin para umayos ang insulin resistance. Sa katagalan ng panahon, ang katawan ay hindi na makakagawa ng saktong insulin para mapanatili ang blood sugar sa normal na range. Ang dulot ng type 2 diabetes ay hindi masyadong maintindihan, pero pinaniniwalaan na ang genetics, di pag ehersisyo at pagiging overweight ay mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng type 2 diabetes.

Karamihan ng type 2 diabetic ay mayroong prediabetes muna, kung saan ang blood glucose ay mas mataas sa normal pero hindi sobrang taas para masabi na mayroong diabetes. Ang prediabetes ay nagbibigay ng mas mataas na tyansa magkaroon ng type 2 diabetes at heart disease.

Ang gestational diabetes ay nangyayari tuwing nagbubuntis ang isang babae. Kapag ang inyong doktor ay sinabe na mayroon kang gestational diabetes, mas mataas ang tyansa mo magkaroon ng diabetes pagkatapos manganak. Importante na sumunod sa rekomendasyon ng inyong doktor para mapanatili ang inyong blood sugar sa normal na range para ikaw at ang iyong anak ay manatiling malusog.

Diabetes Risk factors

Ang mga taong madalas may ganito ay mas malaki ang tyansa magkaroon ng type 2 diabetes:

  • Obesity
  • Ang may impaired glucose tolerance o prediabetes, lalo na kapag hindi nag ehersisyo o hindi sumusunod sa low carbohydrate diet
  • Ethnic groups katulad ng mga instik o indians
  • Nagkaroon ng gestational diabetes
  • Mayroong sedentary lifestyle
  • Positive family history
  • Babaeng may polycystic ovary syndrome (PCOS)

Ano ang mga komplikasyon ng Diabetes?

Ang uncontrolled diabetes ay delikado sa iyong kalusugan. Ang mataas na glucose level ay nakakasira ng maliliit na arteries at nakaka apekto sa halos lahat ng organ sa ating katawan. Ang listahan ng mga potensyal na komplikasyon ay mahaba at karaniwang nakikita sa mga diabetic na may hindi magandang sugar control at hindi sumusunod sa dietary at lifestyle recommendations mula sa doctor.

Ang karaniwang komplikasyon ng diabetes ay heart disease, stroke, neuropathy, kidney failure, blurred vision at decreased immunity.

Paano pamahalaan ang Diabetes?

Ang pangunahing paggamot sa diabetes ay mapanatili ang blood sugar level sa normal na range. Ito ay paniguradong makakaiwas o mapapabagal ang komplikasyon para mabuhay ng mas malusog.

Ang pag ehersisyo, pagkain ng tamang pagkain at pagbawas ng pagkain ng carbohydrates ay importante sa paggamot ng diabetes. Ang pagkakaroon ng active lifestyle ay maganda ang epekto sa pagbawas ng insulin resistance. Kahit 30 minuto ng pag ehersisyo araw-araw ay nakakatulong. Huwag din uminom ng alak dahil nakaka apekto ito sa blood sugar. Ang pagtigil ng paninigarilyo ay nakakatulong din bumaba ang tyansa magkaroon ng heart disease at stroke.

Importante na malaman ang blood sugar palagi para mapabuti ang paggamot natin sa diabetes. Bumisita sa inyong doktor palagi para manatali sa tamang landas sa paggamot ng diabetes.

Pwedeng uminom ng gamot o mag insulin injection para mapanatili ang glucose level sa normal na range. Ang gastos sa araw-araw na paggamot ay mas mahirap kaysa sa pag-iwas o pagpabagal ng delikadong mga komplikasyon.


Kung ikaw ay interesado sa karagdagang kaalaman sa Glucose at kung paano mapanatili sa healthy levels ito, basahin ito sa aming Biomarker post dito!

The post Ang mga Komplikasyon ng Diabetes at Paano ito maiwasan appeared first on BioMark.