Glucose and Diabetes: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Ang glucose ay ang pangunahing source natin para makakuha ng energy, na kailangan para mag function ang ating katawan.

Ang blood glucose level ay ang bilang ng glucose sa ating dugo na umiikot sa katawan natin. Ang ating katawan ay nagtatabi ng sobrang glucose sa form ng glycogen, sa tulong ng insulin hormone na galing sa ating pancreas. Pag tayo ay nag fasting, ang glucose ay nasa normal level sa pamamagitan ng conversion ng stored glycogen para maging glucose.

Ano ang Diabetes at Paano Nalalaman Na Meron Ka Nito?

Ayon sa American Diabetes Association (ADA), and Diabetes ay grupo ng metabolic diseases na characterised ng hyperglycemia (mataas na level ng blood sugar) na resulta ng defects sa pag secrete ng insulin, aksyon ng insulin o parehas. Alam niyo ba na ang bilang ng tao na may Diabetes ay tumaas simula 108 milyon noong 1980 at nagging 422 milyon ng 2014? Mayroong halos 1.6 milyon na bilang ng tao ang namatay sa buong mundo noong 2015 dahil sa Diabetes.

Mayroong tatlong tests para malaman kung mayroon kang Diabetes. Ang mga tests na ito ay dapat ulitin para malaman kung meron ka nga talagang Diabetes (pero kung mayroon ng sintomas, isang test result lang ay pwede na)

1. Fasting blood sugar test

In this test, patients should not eat or drink anything – with the exception of water – for at least 8 hours.

Sa test na ito, bawal kumain or uminom ng kahit ano – tubig ay maaari – sa loob ng walong oras.

Malalaman mo na may Diabetes ka kapag ang fasting blood sugar mo ay 7.0 mmol/L o mahigit. Ang normal na level ay 3.5 hanggang 5.5 mmol/L. Kapag ang blood glucose fasting level mo ay 5.6 hanggang 6.9 mmol/L, ikaw ay nasa pre-diabetic at mataas ang chance mo magkaroon ng diabetes at isa pang rason para mas lalo alagaan ang iyong glucose levels.

2. Oral glucose tolerance test (OGTT)

Ang test na ito ay sinusukat kung paano mag restore ang glucose sa normal na level pagkatapos mag digest ng katawan ng glucose (75 grams). Nagsisimula ang OGTT pagkatapos malaman ang fasting blood sugar.

Mayroon kang diabetes kapag ang blood level mo pagkatapos ng dalawang oras ng ingestion ng glucose solution, ay 11.1 mmol/L o mahigit. Ang normal postgrandial glucose level ay dapat 7.8 mmol/L pababa. Kapag ang postprandial glucose level mo ay nasa pagitan ng 7.8 – 11.0 mmol/L, masasabi na mayroon ka ng prediabetes. Mayroong koneksyon ang prediabetes (lalo na ang impaired postprandial glucose tolerance) at chance ng coronary heart disease at stroke.

3. Glycated hemoglobin (A1C)

Ang test na ito ay nagsusukat ng average blood glucose mo sa huling dalawa hanggang tatlong buwan. Mayroon kang diabetes kapag ang HbA1c mo ay 6.5% o mahigit pa. Ang normal na tao ay mayroong HbA1c na mas mababa sa 5.7%. Ang prediabetic na tao ay kapag ang HbA1c mo ay 5.7% hanggang 6.4%.  

Ano ang mga Types ng Diabetes?

  1. Type 1 diabetes na kilala sa tawag na juvenile diabetes at nangyayari pag tumigil ang pag produce ng pancreas ng insulin na nag reresulta sa mataas na glucose levels. Ito ay kadalasan nangyayari sa mga bata or pag adolescence at kailangan nito ng insulin injections.
  2. Type 2 diabetes ang pinaka common type ng diabetes na kung saan ang iyong katawan ay hindi ginagamit ang insulin maigi at ito ay kinakatakutan dahil sa komplikasyon katulad ng kidney failure at heart disease.
  3. Gestational diabetes ay isang type ng diabetes na nag dedevelop kapag ikaw ay buntis. Ang mataas na blood sugar ay seryosong nakaka apekto sa pagbubuntis at sa bata kaya importante para sa mga buntis na may diabetes ay ma-kontrol ang kanilang blood sugar level sa normal range. Karamihan sa mga doctor ay nagbibigay ng insulin sa mga gestational diabetic na pasyente.

Signs at Symptoms ng Diabetes

  • Madalas na pag-ihi
  • Gutom at Pagod
  • Tuyong bibig
  • Makating Balat
  • Malabong Mata
  • Madalas na uhaw
  • Pagbawas ng timbang
  • Pamamanhid ng kamay at paa
  • Mabagal na pag galing ng sugat

Treatment ng Diabetes

Ang pinakaunang goal para sa treatment ng diabetes ay mapanatili ang blood glucose sa normal tight range para maiwasan o mabawasan ang rate ng komplikasyon na may kinalaman sa diabetes. Ang lifestyle, dietary actions at minsan araw-araw na pag gamot habang buhay ay kasama sa treatment ng diabetes. Ang ADA ay nag rerecommend na dapat i-maintain ng mga diabetic ang optimal fasting glucose level sa 4.4 – 7.2 mmol/L.

Ang pag ehersisyo, pagkain ng masusustansyang pagkain, pagbawas ng pagkain ng carbohydrates at saturated fats ay importante para sa pag-aayos ng diabetes.

Metformin ang unang choice na gamot para sa mga type 2 diabetic na overweight. Ang sensitivity ng body cells sa insulin ay nag-iimprove para ang insulin ay mag function ng mabuti. Sulfonylureas, meglitinides, at thiazolidinediones ay pwede din magamit bilang oral anti-diabetic na gamot.

Kapag hindi nagging mabisa ang oral anti-diabetic drugs sa pagbaba ng blood glucose level sa normal range, insulin therapy ang pinaka mabisang paraan. Ang insulin therapy din ay ang first choice sa getstational diabetes, type 1 diabetes at sa ibang taong may type 2 diabetes.

Hypoglycemia at Diabetes

Hypoglycemia, o low blood sugar, ay nangyayari kapag ang blood sugar level ay bumagsak masyado para sa kailangan ng katawan.

Ito ang pinaka kadalasang komplikasyon ng pag gamot sa diabetes. Kapag nag overdose ang isang diabetic sa insulin o kahit anong diabetic medications, magkakaroon sila ng hypoglycaemia. Kapag ang blood sugar mo ay mas mababa sa 4 mmol/L o mayroon kang sintomas ng hypoglycaemia (palpitations, anxiety, sweating, anxiety, irritability, at fatigue), kailangan mong sundin ang protocol ng hypoglycaemia na pag inom agad ng 15g ng glucose (1/2 cup ng normal fruit juice or soda), at maghintay ng 15 minutes para tingnan ulit ang blood sugar level. Kapag mas mababa pa din sa 4 mmol/L, uminom ulit ng 15g ng glucose at tawagin ang inyong doctor agad. Kung hindi ikaw nakainom ng 15g ng glucose, kailangan mo mag-inject ng glucagon kung available at tumawag ng ambulansya.

Komplikasyon ng Diabetes

Ang Diabetes ay kilala din sa tawag na “silent killer” dahil madaming tao na mayroong diabetes ang hindi nakakapansin na mayroong problema hanggang sa lumala ito sa malalang stage. Tuloy tuloy ang pag damage ng diabetes sa ating mga organs dahil hindi ito kapansin pansin sa matagal na panahon. Ang pinaka common na komplikasyon ng diabetes ay heart disease.

Ang hyperglycemia ay pwedeng mag damage ng arteries at pwede mag develop ng atheroma (fatty deposits). Nagkakaroon ng problema kapag ang atheroma ay nangyayari sa loob ng coronary arteries na nagsusupply ng oxygen-rich blood at nutrients sa puso. Ito ay nagdudulot ng angina pectoris (pagsakit ng dibdib o discomfort dahil sa coronary heart disease) at heart attack.

Isa pang common na komplikasyon ay stroke na nagyayari kapag ang blood supply sa brain cells ay naudlot o nabawasan. Kapag walang immediate medical treatment, ang brain cells ay nagsisimulang mamatay. Ang mga sintomas ng stroke ay: paralysis o papamanhid ng mukha, kamay o paa, nahihirapan magsalita o umintindi, nahihirapan makakita o pagkahilo.

Ang hyperglycemia ay sumisira ng maliliit na blood vessels sa kidney. Sa katagalan, ang kidney ay hindi na mag fifilter ng dugo at pwedeng magkaroon ng kidney damage o diabetic nephropathy. Ang mga may diabetes ay dapat magpa check up ng kanilang kidney lagi sa pamamagitan ng urine analysis, urine protein, eGFR at creatinine clearance. Ang hyperglycemia ay nakaka apekto din ng human nerves, ang kondisyon na tinatawag na diabetic neuropathy. Kapag ikaw ay nakakaramdam ng masakit, pamamanhid o burning sensation sa iyong kamay o paa, sabihan agad ang inyong doctor kung posible.

Screening para sa Diabetes

Ang lahat ay dapat ma-screen para sa type 2 diabetes, lalo na kapag sila ay overweight (BMI ≥ 25 kg/m2) at kapag meron sila isa o mahigit sa mga sumusunod: malapit na kamag-anak na may diabetes, babaeng nagpa anak na may mahigit >9 lb, may hypertension >140/90 mmHg, mayroong polycystic ovarian syndrome o history ng gestational diabetes mellitus (GDM).

Kahit na ang diabetes ay isang chronic disease at kadalasang humahantong sa mga seryosong medical problems, ang taong may diabetes na mayroong controlled glood glucose levels at mayroong tamang diet at lifestyle, makakapag enjoy pa din ng healthy life at maiiwasan at delay ang mga komplikasyon. Ang pinaka importante na management sa diabetes: panatilihin ang sugar sa normal level para manatiling malusog.


Kung gusto mo pa malaman ang ibang paraan kung paano maiwasan at i-manage ang diabetes, tingnan ang aming lifestyle article dito!

Para sa karagdagang impormasyon, maaring kayong magpadala ng mensahe at babalikan naming kayo.  

The post Glucose and Diabetes: Lahat ng Dapat Mong Malaman appeared first on BioMark.