Mataas na glucose levels: Ano ang maaari mong gawin

Kung kayo po ay nagaalala sa inyong medical test kamakailan na may mataas na blood sugar, hindi po kayo nagiisa. Ang pagkakaroon ng mataas na glucose ay karaniwan na kaysa sa inyong kaalaman.  Madaming paraan upang mabalanse ang level ng inyong glucose and mapababa ang tyansa na magkaroon ng diabetes, pati na ang pangangalaga ng mas mabuti sa diabetes. Ang epekto ng pagkakaroon ng mataas na level ng glucose (sugar) sa katawan ay nakasasama sa kalusugan, kaya importanteng malaman kung paano ito maiiwasan at mapapangalagaan tungo sa malusog at masayang pamumuhay.

Mga paraan upang maiwasan ang mataas na glucose sa katawan

Karamihan ng tao ay nagaakala na ang pagtaas ng blood sugar ay karaniwan na sa pagtanda at hindi maaring maiwasan. Pero ang totoo ay, maaari itong maiwasan and mapababa ang tyansa sa possibleng kahihinatnan ng pakakaroon nito, ito ang mga maaring gawin:

  • Pagpababa o pangangalaga sa timbang – May mga pag-aaral na nagpapakita na ang BMI at mataas na glucose ay magkaugnay. Sa maraming pagkakataon, ang mataas na glucose at labis na timbang ay magkaakibat. Kaya naman, upang maiwasan ang pagtaas ng blood glucose, ang pangangalaga sa timbang ay kinakailanga, lalo na kung ang isang tao ay labis sa timbang. Kaya sikaping magpanatili sa tama ang inyong timbang.
  • Regular na ehersisyo – Nakakababa ng blood sugar ang pag-eehersisyo, nakakatulong sa pagkontrol ng timbang at pataasin ang insulin sensitivity, kung saan pinapanatili nito ang blood sugar sa normal range. Ang kahit anong ehersisyong pangkatawan na may kasamang aerobics at resistance training ay nagbibigay ng magandang benepisyo sa katawan. Ang pinakamainam ay magkaroon ng ehersisyo na inyong kinagigiliwan, upang patuloy itong magawa.
  • Masustansyang Pagkain – Karamihan ng tao ay mayroong “unhealthy diet” na posibleng humantong sa pagkakaroon ng labis na timbang at mataas na blood sugar. Upang mapanatili ang blood sugar sa normal range at maiwasan ang labis na timbang, magandang gawaing ang pag-iwas sa matamis, junk food, at iba pang pagkain na may mababang nutritional value. Sa halip ay palitan ito ng fibre-rich food, low carb at low glycaemic diet.
  • Malusog na Pamumuhay – Pagtuunan ang pagkakaroon ng “healthy habit” upang masiguro na ang inyong blood sugar ay nasa normal na range. Laging maging maingat sa inyong ginagawa at kinakain. Magbakasyon, magkaroon ng “recreational activities” na nakakatanggal ng stress: tulad ng yoga at meditation. Iwasan ang paninigarilyo at ilagay sa moderasyon ang paginom ng alak.

Pangangalaga sa Pre-Diabetes

Ang pre-diabetes ay ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar levels kaysa sa normal ngunit hindi gaanong mataas para ma-diagnose na Type 2 diabetes.  Maaaring ipagpalagay na ang pre-diabetes ay isang babala upang isaayos ang kalusugan at maibalik ang normal na blood sugar at masiguro ang pagbalik ng malusong na pangangatawan. PInakita sa mga pag-aaral na ang pagkakaroon ng lifestyle intervention ay mapapababa ang posibilidad na humantong sa diabetes ang pre-diabetes sa loob ng humigit kulang sa sampung taon. Kung ang isang tao ay may re-diabetes, maari nila itong maalis sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang. Pag-eehersisyo ng regular, pagkain ng masustansya at pagkaroon ng healthy lifestyle choices. Sa halip na “unhealthy foods”- lalo na ang asukal – matatabang pagkain, ay piliing magkaroon ng well-balanced diet na mayroong “fibre”, “low gylcaemic” o “low carb alternatives”. Sa pagsunod sa mga ito ay makikita ang pagbuti ng inyong blood sugar levels.

Pangangalaga sa Diabetes

Sa unang article na naglahad ng mga panganid na maaring maidulot ng ng mataas na blood sugar at diabetes, pinahalagahan natin ang importansya ng “proactive approach” sa pangangalaga ng mga ito. Ang mataas na blodd sugar ay nilalagay kayo sa possibiliad na magkaroon ng sira sa bato, sa inyong mga nerves at mabagal na paghilom ng mga sugat, at iba pang uri ng mga ito. Ang diabetes ay panghabang buhay na kundisyon, ngunit maraming paraan upang mapangalagaan ito at maiwasan ang mga nabanggit na kumplikasyon.

Ang mga sumusunod ay maaring gawin upang mag epektibong mapangalagaan ang diabetes:

  • Masustansyang pagkain – Ito ang pinaka-importante sa pangangalaga ng diabetes, Kung ikaw ay may diabetes makakabuti na sundan ibinigay na diet. Piliin ang mga pagkain na may mataas na fibre para sa mabuting pagtunay ng kinain, kumain lamang ng masusustansyang taba and iwasan ang mga pagkain na may “unhealthy saturated” at “trans-fat”. Siguraduhin din na kumain ng “low-glycaemic” at ang maalat na pagkain. Kumain ng masusustansyag pagkain na madami sa vitamins, minerals, anti-oxidant, enzymes at mga importanteng nutrisyon.
  • Pamumuhay o lifesytle – ang pangangalaga sa diabetes ay hindi kumpleto kung walang “healthy lifestyle” na:
    • Pagbabawas ng labis na timbang – Ito ay importante kapag ikaw ay diabetic. Mag purisge na magkaroon ng “lifestyle changes” at magbawas ng timbang ng patuloy. Iwasan ang “crash diet”, upang mapanatili ang pagbawas ng timbang.
    • “Physical Activity” – Ang pagkakaroon ng “sedentary lifestyle” ay isasa mga dahilan upang magkaroon ng labis na timbang, ito rin ay maaring magpataas ng blood sugar at mas mapahirap ang pangangalaga sa diabetes. Sikapin na mag-ehersisyo araw-araw.
    • Iwasan ang mga bisyo – Ang nicotine sa sigarilyo ay nagiging sanhi upang numipis at manigas ang mga ugat sa katawan, ito ang dahilan kung bakit bumabagal ang pag-daloy ng dugo. Ang paginom ng alak ay maaring magdulot ng biglaang pagtaas ng blood sugar. Mas makabubuti na iwasan ang mga ito at kumunsulta sa inyong duktor.
    • “Proactive approach” – Mainam na aralin at magkaroon nang mas maraming kaalaman patungkol sa blood sugar at diabetes. Mahalagang mas maunawaan ang inyong kundisyon para mas mapangalagaan ito ng mabuti.
  • Medikasyon – Kumunsulta sa inyong doctor ng regular, Sundin ang mga payo at rekumendasyon at inumin ang mga gamot, itanong kung ano ang mga supplement na maaring inumin upang mas mabantayan ang inyong blood sugar. Maraming natural or herbal na produkto, ngunit mas mainam na i-konsulta muna ito sa inyong doctor. 
  • Allied Health – May mga karagdagang espesyalista para sa mas mahusay na pangangalaga sa inyong diabetes, tulad ng mga “diabetes educator” mabibigyan nila kayo ng mga karagdagang kaalamansa inyog kundisyon, mga bagay na maaring makasasama sa kalusugan at mga paraan para sa mainam na pangangalaga. Ang diabetic nurse ay tumutulong upang mabantayan ng maigi ang inyong blood sugar at nagbibigay ng kaalaman sa diabetes. Ang eye specialist ay tumitingin sa inyong mata upang malaman kung ito ba ay naapektuhan at magbigay ng lunas kung kinakailangan. Kumunsulta sa inyong diabetes specialist tungkol sa crisis management – tulang ng mga gagawin kung masyado ng mababa ang inyong blood sugar na may mga sintomas, at sa diabetic ketoacidosis, ito mapanganib lalo na sa sobrang taas na blood sugar na mayroong iba’t -ibang sintomas.

 

Ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay maaring magdulot ng madaming kumplikasyon maliban sa diabetes. Mabuti na lang at, maraming paraan upang maiwasan ang pagtaas ng blood sugar, maagapan ang pre-diabetes at mapangalagaan ang diabetes. Laging tandaan na nasa inyong mga kamay ang pangangalaga sa inyong kalusugan.  


Mataas na glucose levels: Ano ang maaari mong gawin appeared first on BioMark.