Paano Panatilihing Maganda Ang Iyong Pangangatawan Sa Pamamagitan Ng Maayos Na Metabolism

Pagdating sa pagsasaayos ng timbang, bihira nating maisa-isip ang ating metabolism.
Mas natatangkilik natin ang “feast or fast” approach na kadalasang ay hindi gumagana.

Ang mga striktong diet katulad ng pag gutom sa sarili ay hindi kanais-nais gawin at  hindi rin epektibo. Maari din itong maging sanhi ng malnutrition, mabagal na metabolism at hormone imbalance.

Maaring ibahin ang iyong lifestyle at palitan din ang iyong mga kinakain. Sa ganitong paraan, mas maisasakatuparan mo ang iyong weight goals kumpara sa labis na pagdidyeta.

Hindi ibig sabihin nito ay kailangan mong iwasan ang mga paborito mong pagkain upang mas maging balingkinitan. Ang pagkain ng masustansya ay maaari din naman pagkain ng masarap na lutuin.

Ito ang mga ilang paraan upang mas maging healthy at masarap ang iyong mga pagkaing makakatulong sa pagpapaganda ng iyong metabolism, upang makabawas ng timbang at manapanatili ito.

1. Gawin itong maanghang

Habanero chilies, luya at cayenne pepper ay isa sa mga halimbawang pagkain na nakakatulong makgpaganda ng iyong metabolism ng 10%.

Dahil ang maaanghang na sili ay mayroong capsaicin, na nagdudulot ng init at nagsisimula ng thermogenesis o ang pagtaas ng iyong temperature habang kumakain ng ganito.

Ito rin ay nakakatulong sa pagbusog o kuntento sa iyong kinakain, na nakakabawas ng estimated 200 less na  calories kada pagkain.

Maaring subukan ang authentic Indian Vindaloo. Hindi lamang ito naglalaman ng mataas na capsaicin, ito rin ay ginamitan ng tupa o kaya ay manok, na nagdagdag ng lean protein sa maanghang na pagkain na mas nakakatulong sa pagbabawas ng timbang.

2. Kumain ng madaming protina

Ang diet na mataas sa protina ay madaming nagagawa sa upang mabawasa ang timbang, ang pagdagdag nito sa iyong diet ay ang pinakamainam na iyong gagawin para sa pagbaba ng iyong timbang.

Dahil ang protina ay mahirap matunaw ng ating bituka. At kinakailangan ng iyong katawan ng mas madaming energy para tunawin ito, samakatuwid ay nakakapagsunog ng madaming calories sa pagtunaw pa lamang nito.

Sa pagbagal ng iyong digestion, ang protina ay tumutulong sa pagpigil sa insulin response ng iyong katawan at sa pagiimpok ng taba mula sa high-glycemic na carbohydrates. 

At dahil ang mga muscle ay nagsusunong ng calories, ang pagdagdag ng protina ay makakatulong maiwasan ang muscle loss, ito ay tumutulong sa pagkakaroon ng mabilis na metabolism.

3. Kumain ng good fats

Maaring ang kaalaman natin na kapag nagbabawas ng timbang ay umiwas sa matatabang pagkain, ito ay kabaligtaran.

Ang pagkakaroon ng diet na mataas sa taba at protina ngunit kakaunti lang ang carbohydrates ay nakakatulong magsunog ng taba sa katawan kumpara sa low fat diet. Ito ay dahil ang iyong katawan ay mabilis na nagsusunog ng simple sugar, ngunit hindi nito nagagamit agad dahil sa mabilis na pagkatunaw nito.

At ang energy na hindi agad nagagamit ay naiipon at nagiging taba sa katawan.

Ang pagkakaroon ng diet na mataas sat aba ay maaring magsimula ng ketosis, o ang pagsusunog ng taba upang maging “fuel” ng ating katawan. Upang magawa ito, iwasan lamang ang pagkain ng carbohydrates at palitan ito ng fats bilang primary source.

Ngunit, siguraduhing limitahan ang dami ng saturated, hydrogenated at trans fat sa iyong diet.

Humanap ng healthy fats na may balance ng 3-6-9 fatty acids. Ito ay makikita sa mga grass fed beef, olive oil, salmon at matatabang isda.

4. Kumain ng whole grains at complex carbohydrates

Ang high protein, high fat diet ay nirerekumenda para sa optimum weight loss, kailangan pa rin ng iyong katawan ng carbohydrates.

Para dito, humanap ng whole grain tulad ng quinoa, brown rice at legumes. Mga prutas tulad ng cherries at grapefruit ay nakakatulong din sa iyong metabolism. Ito ay dahil meron silang simple sugar kasama ng madaming digestion slowing fiber. 

Dahil ang complex carbohydrates ay mas mahirap tunawin ng iyong katawan. Ang iyong digestive system ay mas gumagamit ng energy upang tumunaw ng pagkain at hindi nito kailangan itabi ang labis nito sa pamamagitan ng taba.

5. Gumamit ng coconut oil

Ang coconut oil ay naglalaman ng Medium-Chain Triglycerides (MCT’s), kaysa Long-Chain Triglycerides (LCT’s).

At habang ang iyong katawan ay kinakailangang itabi muna ang LTCs bago sunugin, hindi nito kailangan gawin sa MCT’s. Kundi, ay dumidiretso iyo sa iyong liver upang magamit.

Ngunit hindi katulad ng carbohydrates, ang MTC’s ay hindi naitatabi ng katawan, ibig sabihin ay kailangan itong magamit agad.

At ang patuloy na pagsunog ng taba, ang iyong katawan ay maghahanap ng ibang maaring panggalingan ng taba para sunugin para paganahin ang iyong katawan. At kadalasan napipili nitong gamitin ang taba sa iyong tiyan na matagal mo ng nais mawala!

Sa panahon ng selebrasyon, huwag matakot na madagdagan ang iyong timbang upang iwasan ang mga paborito mong pagkain. Gamitin ang mga tips na ito upang makatulong sa pagpapababa ng iyong timbang. 


Kung nais mo pang malaman ang paggawa ng hormones ng iyong katawan at ng iyong thyroid at kung paano ito nakakaapekto sa iyong metabolism, basahin dito!

Paano Panatilihing Maganda Ang Iyong Pangangatawan Sa Pamamagitan Ng Maayos Na Metabolism ay unang lumabas ditto sa BioMark.