Paano Umayos ang Iyong Glucose Level at Paano Mapanatili na Walang Stress

Hindi natin maikakaila na karamihan sa atin ay mahilig kumain ng matatamis na pagkain paminsan-minsan. Lalo na pagkatapos ng nakakapagod na araw – cookies at kendi o kaya ay dagdag prutas. Kung ikaw ay nasabihan na iwasan ang matatamis na pagkain, hindi ka nagiisa. Subalit, imbes na iwasan ay mas nakakatulong ang pag-regulate sa pagkain ng mga ito.

Ano ang blood sugar?

Bago tayo magsimula sa pagregulate ng blood sugar, pagusapan muna natin kung ano ang blood sugar.
Ang blood glucose o mas kilala bilang blood sugar, ay tumutukoy sa lebel ng sugar sa dugo. Ang ating katawan ay kailangan ng sugar para magkaroon ng lakas at isa ang sugar sa kailangan nito. Ang lebel ng sugar sa katawan ang nagiiba at isang natural na proseso na nangyayari sa katawan.

Epekto ng pagbabago ng blood sugar sa inyong katawan

Ang pagbabago ng lebel ng blood sugar sa katawan ay normal, Paggising sa umaga, ang blood sugar ay mababa. Kapag ikaw ay kumain, ang lebel ng blood sugar at tumataas at unti unting bumababa pagtapos kumain.

Ang problema ay nagsisimula kapag ang lebel ng blood sugar ay hindi bumababa dahil sa kundisyon sa kalusugan tulad ng diabetes.

Mababang blood glucose – kilala ito bilang “hypoglycemia”, ay kadalasang sanhi ng mga gamot para sa diabetes. Ang sintomas ay, pagkahilo, pagpapawis, panghihina at gutom. Sa malubhang pagkakataon ay pagkawala ng malay at seizure.

Mataas na blood glucose – kilala ito bilang “hyperglycemia”  kadalasang sanhi ng Type 1 or type 2 diabetes. Ang isa sa mga sintomas ay ang sobrang pagkauhaw, madalas na pagihi, nanlalabong mata at pagsakit ng ulo.

Pag-maintain ng blood sugar

Ang dugo, tulad ng iba pa sa iyong katawan, ay kailangan ng maayos na pag-aalaga. Kung ikaw ay may diabetes, mas nakabubuti na para sa iyong katawan kung nasa normal na lebel ang iyong blood sugar. Kung wala naming diabetes ay makakatulong itong maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sanhi ng mataas na blood sugar.

Pangkalahatang payo para mapanatili ang blood sugar levels:

  • Iwasan ang masyadong pagkain ng matatamis
  • Panatilihin ang wastong timbang
  • Magehersisyo araw- araw
  • Gumawa ng “healthy diet”, mga pagkaing siksik sa nutrisyon at iwasan ang processed food

Mga tips para sa mababang blood glucose level:

Kung nakakaranas ng mababang blood sugar, kumain ng 15-30 grams ng carbohydrates agad. Ito ang mag suggestion upang makakuha ng sapat na nutrisyon:

  • 1 saging, mansanas, o orange;
  • 2 kutsara ng pasas;
  • Kalahating baso ng orange, mansanas, pinya o katulad na juice

Siguraduhing malapit ang mga ito sa inyo, lalo na kung  gumagawa kayo ng mabigat na physical activity. Kainin o inumin agad ang mga ito sa unang sintomas ng mababang blood sugar. Lagi din isaisip ang inyong blood sugar kapag nagmamaneho dahil ito ay mapanganib kapag biglang bumaba. Alalahanin na ang proteins, tulad ng tsokolate, ay hindi agad nakakapagpataas ng blood sugar kahit mataas ang “sugar content”. 

Mga tips para sa mataas na blood glucose levels:

  • Iwasan ang paginom ng alak, mataas ang “sugar” nito.
  • Palitang ang carbs, tulad ng patatas, ng pagkain mataas ang fiber at protein.
  • Piliin ang isda or ang “lean white meat” kaysa sa matatabang karne.
  • Kumain ng “whole grain pasta”, tinapay at kanin
  • Uminom madalas ng malinis na tubig

Pagbantay sa glucose levels

PInapayo na magcheck ng blood sugar paminsan minsan upang malaman kung may pagbabago dito. Kapag ang isang tao ay may diabetes, kinakailangan itong bantayan ng regular.

Maari mo ba itong gawin? Oo naman! Ito ang dalawang paraan na maari ninyong gawin

  1. Bumili ng blood glucose meter, nakatutulong ito para makapag-check kayo ng inyong blood sugar levels.
  2. Magpakabit ng continuous glucose monitor (CGM) sensor sa inyong balat, kung kayo ay may sakit na may kinalaman sa blood sugar. Sa pagkakataon na bumaba ang inyong blood sugar sa recommended na normal range, ito ay magbibigay babala. May mga malusog din na mga tao na nagpapakabit ng mga ito.

Maliban sa mga ito, ang karaniwang pagbantay ng glucose levels ay ang blood sugar charts. Paano ito nakakatulong? Unawain na ng blood sugar ay nagiiba iba sa bawat tao sa ibat’ibang oras ng araw. Ang mga pagkakaiba sa bawat tao ay sanhi ng madaming bagay na dapat isa-alangalang. Ang mga ito ay, edad, medical na kundisyon and karamdaman, stress, uri ng pamumuhay at oras ng huling pagkain.

Sa pamamagitan ng mga ito, ay magkakaroon ng gabay sa inyong blood sugar levels. Importanteng maunawaan ng husto kung ano ang “ideal” blood sugar value. Upang malaman ninyo kung ano ang pinakamainam na blood sugar charts para sa inyo.


Para sa karagdagang impormasyon, maaring kayong magpadala ng mensahe at babalikan naming kayo.  

The post Paano Umayos ang Iyong Glucose Leve at Paano Mapanatili na Walang Stress appeared first on BioMark.